PANINIWALA~

Ang “The Bride” ay isa sa mga russian film sa direksyon ni Svyatoslav Podgayevski. Sa kwentong ito, sila ay naniniwala na ang photography ay hindi lang pagkuha ng mga masasayang nangyari bagkus ang ilaw o flash ng kamera ay nagbibigay enerhiya upang makapagpabuhay ng katawan ng isang patay. Una itong sinubukan ni Barin sakanyang asawa na si Olga na maagang namatay, at taon taon ay ginagawa nila ang ritwal na ito kasabay ng pag-aalay ng isang birhen na babae upang ang kaluluwa ni olga ay sumanib dito. Hindi na bago sa pamilya o sa sumunod na henerasyon ang ritwal na ito kaya kung sino man ang babaeng ma-involve sa pamilyang ito ay magiging alay sa kanilang Mother Olga lalo na kung ang babae ay birhen pa. Ngunit ‘di naglaon sa kanilang sumunod na ritwal ay hindi sila nagtagumpay. Dahil ang kanilang naging alay ay hindi birhen.

Sa buhay natin mayroon tayong kanya-kanyang paniniwala na pinaniniwalaan. Ngunit ang bawat paniniwala ay may katumbas na kabayaran.

IKA-LIMANG UTOS

Ang Pilipinas ay isang Demokratikong bansa na nagbibigay sa bawat mamamayan ng kalayaan sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Ang bawat tao ay may kani-kaniyang kalayaan na tinatamo, tulad na lamang ng kalayaang makapag pahayag, kalayaang magkaroon ng maayos at ligtas na pamumuhay at marami pang iba. Dahil sa na tin sa pagiging demokratiko ng ating bansa, ang kalayaan na ating natatamasa ay halos wala na rin katapusan na pati narin ang mga batas na kabilang dito ay halos ‘di na rin mabilang.

Ngunit ang pagiging Demokratiko ng ating bansa, na nagbibigay ng walang katapusang kalayaan sa bawat Pilipino ay may itinatakdang nga bang limitasyon? Limitasyon na magmumulat at mag tuturo sa atin ng mga pang-aabuso sa kalayaang mayroon tayo at mag papaalala na mayroon pa rin tayong batas na dapat sundin na mag lilimita sa ating mga ginagawa.

Isa na lamang dito ay ang pag patay sa mga taong nagkasala sa batas na hindi lamang dumaan sa tamang proseso ng ating batas o ang tinatawag nating Extra Judicial Killing (EJK). Noon pa lamang ay may mga tao ng napapabilang dito, mga taong inilalagay ang kamay ang sa pag paparusa sa mga taong nag kasala. Ngunit simula ng maupo sa pagiging pangulo ng bansa si Pres. Rodrigo Duterte ay tumaas ang bilang at patuloy na tumatas ang mga tao at pamilya na nagiging biktima nito. Napakarami ng dugo ang kumalat at mga luhang umagos dulot nito mula sa mga biktima at kani-kanilang pamilya.

Tulad na lamang ng isang maikling kwento na aming napanuod. Ang “Simulacrum” sa direksyon ni Christian Alan Toring. Isinalaysay rito kung paano pinatay ang nanay ng batang lalaki, kung paano mo magsisimula sa buhay na mag-isa. Sa buhay na punong puno ng patayan. Ika nga sa kwento “Change is a Process”.

•Lahat tayo posibleng drug pusher•

T I W A L A

T I W A L A

Minsan, sa pag-aakalang natin yung taong unang nagpakita sa atin ng kabutihan noong una natin silang nakita at nakilala ay ganon din sila hanggang huli.

Yung taong akala nating mapagkakatiwalaan natin ay siya palang ta-traydor sa atin.

Tulad ng isang pelikulang ito na may pamagat na “Raise the red Lantern” sa direksyon ni Zhang Yimuo. Si songlian ay isang labing siyam na gulang, sa pagkamatay ng kaniyang tatay, kasunod nito ang pagkaubos ng kanilang pera kaya minabuti ng kanyang ina na makapangasawa ito mayaman ang kanilang anak. Si songlian ay napabilang sa mga babae ni Master Chen kung saan maninirahan siya kasama nito. Doon nakilala niya sina Zhouyan at Meishan. Sa kanilang unang pagkikita ay nagpakita na agad ng kabutihan si Zhouyan kay Songlian na tinuring ito na para bang isang kaibigan na masasandalan, kabaligtaran naman ito ng pinakita ni Meishan sa kanya lagi niya itong tinatarayan at iniinis. Sa kanyang pamamalagi sa templo ay nalaman niya ang katotohanan na ang pinapakita ni Zhouyan ay pawang pakitang tao lamang, ang bawat isa sa mga babae ni Master Chen ay mayroong natatagong sikreto na labag sa ka-utusan nito. Gaya na lamang ng pagkakaroon ng ibang lalaki bukod kay Master Chen.

Pero ang isa sa mga na pagtanto ko sa kwentong ito ay mayroong mga bagay na dapat pinag-iisipan muna bago ka makapagbitiw ng salita. Dahil hindi mo na mababawi ang mga salitang binitawan mo.

“KARANASAN SA NAKARAAN”

“KARANASAN SA NAKARAAN”

Hindi ko akalain na ang malupit na karanasan ay maaaring magdala at maging dahilan ng malaking tagumpay sa isang tao. Tulad na lamang ng kwentong pinamagatang Slumdog sa direksyon ni Danny Boyle. Sa kwentong ito ipinakita ang pag mamalupit ng mga police kay Jamal habang pinapanuod ang isa sa mga sikat na larong sinalihan nito na “Who wants to be a Millionaire” na halos lahat ay nasagot niya ang mga katanungan. At sa pag-aakala ng mga pulis na nandaya ito, hindi rin naman inakala ni Jamal na ang lahat ng kanyang mga naging karanasan noong musmos pa lamang siya ay tanong sa kanyang larong sinalihan.

Dito napatunayan na hindi porket isa kang palaboy noon at hindi ka naka pagtapos ng pag-aaral eh, wala ka ng alam at imposibleng masagot mo ang katanungan dahil sa buhay natin ang mga naging karanasan natin ang nagsisilbing guro upang matuto tayo sa ating naging nakaraan.

K A L A Y A A N

Kwentong hango sa totoong buhay ang hatid sa atin ng pelikulang “Journey from the fall” sa direksyon at sulat ni Ham Tran. Kwentong punong-puno ng emosyon, sakit at pighati.

Dito rin naisalarawan ang mga pangyayare noong 1975 at kung paano inalipusta ng mga sundalong Vietnamese ang mga nakakulong sa re-education camp. Kabilang na rito si Long, na sobrang hirap ang kanyang dinanas sa kanyang pagkakulong kasabay pa nito ang kanyang pagkawalay sa kaniyang pamilya.

Hindi rin nagtagal ay nagkaroon ng digmaan sa kanilang bansang kinabibilangan kaya minabuti ni Mai (asawa ni long) na umalis at sumakay sa barko papuntang California kasama ang kaniyang nanay Ba noi at ang kanilang anak na si Lai. At doon na ito nanirahan. Dahil sa pangungulila at pag ka-miss ni Lai sa kaniyang ama ay hindi ito nakakapag pokus sa pag-aaral at madalas ay napapaaway sa paaralan.

Ang kaniyang ama na si Long ay nakatakas sa mga sundalong mapang-api kasama ng kaniyang kaibigan ngunit sa pagtakas niyang iyon, ay nahabol at nabaril ito ng sundalo, dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Hindi man naging masaya ang kanilang naging karanasan sa Paglalakbay dahil meroon silang pamilyang namatay sa Vietnam. Ngunit nananatili sa kanilang mga puso ang masasayang ala-ala kasama ang mga mahal nila sa buhay.

Wala nang mas mahalaga kaysa sa kalayaan” .. kalayaang pinagkait sa kanilla na makasama ang kanilang pamilya.

“PAGMAMAHAL AT PAG-ASA”

Isang bagong pelikula na naman ang aming napanood na nagpamulat sa amin sa reyalidad ng buhay, at tiyak na kapupulutan ng aral.

Ang pelikulang ito ay “Children of Heaven”. Isang iranian film sa direksyon ni Majid Majidi. Kwento nang dalawang batang magkapatid na sina Ali at Zahra galing sa ‘di kayamanang pamilya na may simpleng pamumuhay.

Nagsimula ang kwento na ito sa, ‘di sinasadyang mawala ni Ali ang pares ng kulay pink na sapatos ni zahra. Kaya minabuti na lamang nila na hindi ito sabihin sa kanilang nanay at tatay, dahil sa dami ng gastusin sa bahay na kanilang dapat bayaran. Kaya naisip ni Ali na ipahiram muna kay Zahra ang kanyang sapatos para makapasok ito sa Eskwelaha, at sa pagtapos ng klase ni zahra siya naman ang gagamit nito. Ngunit, ito na rin ang nagiging rason/dahilan ng pagkahuli sa klase ni Ali.

Sa pagkakaroon ng tsansa na makasali si Ali sa footrace ay agad naman niyang pinagsumikapan na makaabot ito hanggang sa ikatlong champion para sa kanyang pag ka-panalo maibigay niya sa kanyang kapatid ang isang bagong pares ng sapatos.

.. Sa kabila ng suliranin ng magkapatid, pagmamahalan pa rin ang kanilang naging sentro.

pero .. Hindi lang din ito ang naging mesahe ng kwento. Ipinabatid din nito na .. Ano man ang iyong pinagdaraanan at gaano man ito kahirap kung ito ay iyong pagsusumikapan, makakamit mo ang tagumpay na iyong inaasam.

(MAYNILA: SA KUKO NG MGA LIWANAG) HANGGANG KAILAN?

Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag ibig?

Hanggang kailan ka lalaban?

Hanggang kailan ka aasa?

Hanggang kailan ka makikipagsapalaran sa mundong hindi mo naman nakagisnan.

Maghihintay ka pa rin ba kahit wala ng kasiguraduhan?

Ilan lamang yan sa mga katanungan pumasok sa aking isipan habang pinapanuod ang isa sa mga sikat na nobela noong taong 1975 ni Edgardo M. Reyes. Ang “Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag” sa Direksyon ni Lino Brocka.

Ipinakita at Isinalaysay rito ang kwento ng magkasintahang sina Julio Madiaga at Ligaya Paraiso na galing sa Probinsya. Sa kanilang tahimik at simpleng pamumuhay sa probinsya isang oportunidad sa Maynila ang nakapagpalayo sa kanila. Isang matronang babae ang lumapit sa pamilya ni ligaya at nag alok ng trabaho at maaari pa raw itong makapag-aral. Dahil sa hangad nitong makatulong sa pamilya, ay napagdisisyunan niyang lumuwas ng Maynila kasama ang dalawa sa kanilang kapit-bahay na babae. Makaraan ang ilang buwan ay nakatanggap ng sulat ang pamilya ni ligaya tungkol sakanya galing sa matronang babae at agad naman nakibalita si Julio.

Dahil sa masamang balitang natanggap nila agad na napag disisyunan ni julio na lumuwas ng maynila upang hanapin si ligaya. Ang lugar kung saan magpapamulat sa iyo sa reyalidad nang lipunang sinasalamin nito. Mula sa pagiging konstruksiyon hanggang sa call boy o pagiging “puto” ay binalikan niya ang kaibigang nakilala sa konstruksyon at pinatira siya nito sa bahay. Sa ilang buwang paghahanap kay ligaya, at natagpuan niya din ito. At doon ay nasagot ang mga katanungang gumugulo sa isipan ni Julio.

Sa pag aakalang ang buhay na mag bibigay sa kanila ng karangyaan ay siyang mas nagdala sa kanila sa kahirapan.